Friday, October 29, 2010

IGLESIA NI CRISTO VOTE FOR THE GLORY OF GOD

                                                                  [DSC03611.JPG]                                                                                                    Bakit ang Iglesia ni Cristo ay may pagkakaisa sa lahat ng mga bagay , kahit sa pagboto . Utos ba ito ng ating Panginoon Diyos  at Panginoon JesuCristo  ? Ngayon May 15 , 2019 muling magkakaisa ang IGLESIA NI CRISTO sa pagboto upang magbigay luwalhati sa PANGINOON DIOS AT PANGINOON JESUCRISTO . JUAN 17 ; 9-12 , 21 Idinadalangin ko sila , hindi ang SANLIBUTAN kundi ang lahat ng ibinigay mo sa aking ,sapagkat sila'y iyo . Ang lahat ng aking ay iyo , at ang lahat ng iyo ay akin ; at pararangalan ako sa pamamagitan nila . At ngayon , ako 'y papunta na sa iyo . Aalis na ako sa SANLIBUTAN , ngunit nasa SANLIBUTAN pa sila . AMANG BANAL , ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong PANGALAN , PANGALAN ibinigay mo sa akin , upang sila'y maging isa , kung paano tayo'y iisa . Habang kasama nila ako . Iningatan ko sila sa pamamagitan ng iyong PANGALAN ibinigay mo sa akin . Inalagaan ko sila at ni isa'y walang napahamak , liban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan , upang matupad ang kasulatan . Maging isa nawa silang lahat , AMA . Kung paanong ikaw ay nasa aking at ako 'y nasa iyo , gayon din naman , maging isa sila sa atin upang maniwala ang SANLIBUTAN na ikaw ang nagsugo sa akin . PAG-ARALAN NATIN ! Una -ang sabi , kung paano tayo'y iisa , saan sila iisa ? ang sabi ang lahat ng aking ay iyo , at ang lahat ng iyo ay akin . Kung gayon ang pinag-uusapan ay ang pagmamay-ari sa IGLESIA NI CRISTO . Iisa sila sa pagmamay - ari . Pangalawa -- pangalan ibinigay mo sa aking . Ano ba ang pangalan ibinigay ng PANGINOON DIOS sa ating PANGINOON JESUCRISTO ? Pangalan pang -relihiyon . Gawa 2 ; 36 Pakatalastasin ninyong lahat , at ng boong bayan ng ISRAEL ,na ginawa ng DIOS na PANGINOON at CRISTO itong si JESUS na inyong ipinako sa krus . Pano ito tawagin ng mga APOSTOL ? ROMA 16 ; 16 Mangabatian kayo ng banal na halik . Binabati kayo ng mga IGLESIA NI CRISTO . Sa IGLESIA NI CRISTO ginagawa ang pagkakaisa . Saan ba nagkakaisa ang mga IGLESIA NI CRISTO ? 1 CORINTO 1 ; 10 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo , mga kapatid , sa pamamagitan ng PANGALAN ng ating PANGINOON JESUCRISTO , na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay , at huwag mangakaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi ; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol . --- - PAG-ARALAN NATIN -- Una -Ang utos mangagsalita ng isa lamang bagay , at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi . Paano ba ang pagkakabahabahagi . Sa panahon ng halalan may mga KAPATID ang gustong iboto ay si ERAP ,at ang iba ay si PANGULONG AQUINO , ang iba ay si VILLAR . Kung hindi ito maaawat ay maaring mag-away at magkasamaan pa ng loob ang MAGKAKAPATID sa loob ng IGLESIA NI CRISTO . Ito ang sisira sa IGLESIA na gaya ng nangyayari sa ibang relihiyon na magkakapatid ay nag-aaway at minsang ay nagkakasakitan pa. --PANGALAWA -- Mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang PAGHATOL . Ang ka EDWARDO at ang mga maytungkulin sa IGLESIA ay pag-aaralan ang lahat ng mga PLATAPORMA ng mga KANDIDATO na nagnanais ng boto ng IGLESIA . Pag ito ay napag-aralan na ibibigay na ng KA EDWARDO ang HATOL O pasiya kong sino ang dadalhin o iboboto ng IGLESIA . Ano ba ang katangian ng tunay na IGLESIA ? EFESO 4 ; 1-7 Kaya't ako na isang bilanggo dahil sa PANGINOON , ay namamanhik sa inyo sa inyo na mamuhay kayo ng gaya ng nararapat sa mga tinawag ng DIYOS . Kayo'y maging mapagpakumbaba, mabait , at matiyaga , magmahalan kayo at magpaumanhinan . Pagsumakitan ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa ESPIRITU , sa pamamagitan ng buklod na kapayapaan , iisa lamang ang katawan at iisa lamang pag-asa ninyong lahat , dulot ng pagkatawag sa inyo ng DIYOS . May isa lamang PANGINOON , isang pananampalataya , at isang BAUTISMO , isang DIYOS at AMA nating lahat . Siya'y higit sa lahat , gumagawa sa lahat , at sumasalahat . - Batid na natin ang kahulugan ng katawan ay IGLESIA . Alam na natin ang katangian ng tunay na IGLESIA NI CRISTO . FILIPOS 2: 2 Kung gayon , lubusin ninyo ang aking kagalakan - maghari sainyo ang pagkakasundo, magbuklod kayo ng iisang pag-ibig at maging isa kayo sa puso't diwa ." Kaya pala kahit sa mga rally , sa pagboto o sa lahat ng okasyon na na kailangan ang pagkakaisa ay nadoon ang lahat ng mga kapatid . Ang lahat ng sinusunod ng mga kapatid ay utos ng ating PANGINOON JESUCRISTO at hindi ng KA EDWARDO MANALO . Ang lahat ng aral na amin sinusunod ay nasusulat sa BIBLIA , sapagkat ito ang nagbibigay lugod sa ating PANGINOON DIOS AT PANGINOON JESUCRISTO . PUNONG OLIBO , PROPETA SA HULING ARAW . "